Naglalaro tayo, ikaw at ako
Ikaw ang taya, nagtatago ako.
Hinahanap mo ako,
Pero lumalabas rin ako.

Ganoon nga noong simula,
Pero ngayon ay nagbago,
Nagbago na ang ating laro.
Ikaw pa rin ang taya, nagtatago ako.
Hinahanap mo ako,
Hinahanap mo ako.

Hinahanap mo nga ba ako?
Bakit hindi mo ako makita?
Bakit hindi mo makita ang kinalalagyan ko?

Naglalaro pa rin tayo, ikaw at ako
Ikaw ang taya, nagtatago ako.
Hinahanap mo ako,
Sana nga, makita mo na ako.
Currently reading: Intocuction to Logic by Irving Copi
Posted by Louie on October 5, 2004 at 10:50 PM | 2 comments
Louie requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on October 6th, 2004 at 09:43 PM
and lungkot naman..hanapan ng hanapan...why not just come out and stop playing gameS??? hmm...
Comment posted on October 6th, 2004 at 09:22 PM
hmmm, interesting. search for the search, then the searchers will come to light. or is it vice-versa...?